Reconciliation posible kaya? | Pilipino Star Ngayon


SA harap ng mga sigalot sa pulitika bunsod ng pagkahaling sa kapangyarihan, posible bang magkasundo ang dalawang nagbabangayang paksyon? Ang tinutukoy ko ay ang paksyong Marcos at Duterte.

Naitatanong ko ito dahil sinabi ni Presidente Bongbong Marcos na handa siyang makipagkasundo sa nakakaalitan niyang political clan, ang pamilyang Duterte. Aniya, sa pa­na­yam ng broadcast journalist na si Anthony Taberna, “marami na akong kaaway at ang kailangan ko’y kaibigan.”

Ito’y tugon na may kahinahunan na maaaring hangaan ng iba. Pero sa harap ng mararahas na pahayag ng mga Duterte laban sa kanya, sa pananaw ng iba, ito’y kahinaan ni Marcos Jr. na tila ba pagsuko sa mga kaalitan niya.

Ngunit hindi naman ito sasabihin ng Presidente kung hindi siya tinanong ni Taberna. Kung ako ang nasa katayuan ni Marcos Jr. malamang ay ganundin ang magiging sagot ko.

Kasi, habang umiiral ang bangayan, hindi magagampanan ng pamahalaan na asikasuhin ang mga bagay sa kapakanan ng bansa at mamamayan. Sabi nga ni Marcos Jr. “sawa na ang taumbayan sa pulitika.”

Maganda sa pandinig ang pagkakasundo ngunit kaduda-duda ang sinseridad nito. Naririyan lagi ang personal na agenda. Batay sa karanasan nating lahat, ang mga political alliance ay hindi pangmatagalan. At mukhang malabo ang pagkakasundo hang­ga’t nakaamba ang impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Lubhang masalimuot ang political situation ng bansa at sino man ang magwagi sa nag-aalitang paksyon, taumbayan ang talo. Para sa akin, better to erase the blackboard clean and start afresh with better and well-meaning leaders who truly care for the national good.





Source link

Related posts

EDITORYAL – Linisin ni Torre dungis ng PNP

Avenue dwellers napakarami | Pilipino Star Ngayon

Tatlong isyung hahadlang sa paglilitis ni VP Sara