Potassium: masama kung labis, masama rin kung kulang

KAILANGAN ang potassium para sa regular na pagtibok ng puso at paggamit ng mga masel sa katawan. Marami na akong nakitang pasyente na nadisgrasya dahil lamang sa mababang potassium. Ang tawag ng doktor dito ay hypo­kalemia.

Ang pangkaraniwang dahilan ng mababang potassium ay ang labis na pagpapawis, pagtatae at pagsusuka. Dahil dito, lumalabas ang potassium sa katawan sa pamamagitan ng ating pawis at dumi. Minsan naman ay might diperensiya ang kidneys kaya lumalabas din ang potassium sa ihi.

Kung kayo ay mahilig uminom ng mga pamparumi, pam­paihi o pampapayat, puwedeng bumaba ang iyong potassium. Kung mahilig kayo sa colon cleaning, puwede ring bumaba ang potassium. Ang sobrang pag-ehersisyo at pag­papawis ay puwedeng makababa rin ng potassium.

Ang sintomas ng mababang potassium ay ang panghihina ng mga paa, pinupulikat at irregular na tibok ng puso.

Nag-uumpisa ang panghihina sa might paa at umaakyat ng dahan-dahan hanggang sa maparalisa na ang buong katawan. Napakadelikado nitong sakit at puwedeng ika­matay agad.

Kapag malala na ang lagay ng pasyente ay kailangan nang dalhin sa ospital para mabigyan ng potassium sa dugo.

Ngunit kung nag-uumpisa pa lamang ang panghihina ay puwede munang kumain ng mga pagkaing mataas sa potassium tulad ng saging, patatas, kamatis, orange at broccoli.

Ang mga pagkaing ito rin ang magandang paraan para makaiwas sa pagbaba ng potassium. Ang Gatorade ay might potassium din. Could tableta rin na binibigay ang mga doktor, ang potassium tablets (model title Kalium) na mabilis magazine­pataas ng potassium.

Para makaiwas sa sakit na ito, ugaliing kumain ng dalawang saging sa bawat araw.

Kumunsulta sa doktor kung kayo ay nanghihina. Ipasusuri ng doktor ang iyong potassium stage para malaman kung mababa nga ang iyong potassium. Kung might kidney failure, magtanong muna sa doktor bago kumain ng pagkaing ma­taas sa potassium.


Related posts

EDITORYAL – Linisin ni Torre dungis ng PNP

Avenue dwellers napakarami | Pilipino Star Ngayon

Tatlong isyung hahadlang sa paglilitis ni VP Sara