PCSO, umayuda sa mga binaha sa Maguindanao del Sur!


NAGPAMUDMOD ng 2,500 “ChariTimba” ang Philippine Cha­rity Sweepstakes Office sa mga residente ng Datu Piang, Ma­guindanao del Sur na apektado ng malawakang pagbaha ng nakaraang linggo.

Mabilis na inutusan ni PCSO General Manager Mel Robles ang Authorized Agents Corporation- SA Royal Gaming OPC sa Maguindanao del Sur – na pangunahan ang pag-dis­tribute ng food packs sa mga residente sa evacuation center sa Datu Piang.

Siyempre, kasama sa relief efforts ang mga lokal na PNP units at maging ang local government unit (LGU). Matic na sa PCSO ang magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng baha, lalo na’t ang Datu Piang ay ipinasailalim sa  state of calamity.

“Our commitment is unwavering. We will not stop until we see to it that all the affected residents have already received necessary food and medical assistance,” ani Robles. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang munisipalidad ng Datu Piang ay ipinasailalim sa state of calamity matapos bahain ang 16 barangays nito nang tamaan ng malakas na pag-ulan dulot ng Intertropical Con­vergence Zone (ITCZ) nitong nagdaang mga araw. Umaabot sa 8,000 residente ang inilikas sa mga evacuation centers, ayon sa Datu Piang Municipal Disaster Risk Reduction Ma­nagement Office (MDRRMO).

Sinabi ni Cyrus Urbano, ng Koronadal City disaster risk re­duction and management officer, dalawang nilalang ang nalunod sa baha. Sila ay sina Christian Pederiso, 28, na isang deli­very rider, at si Jessa Mae Huesca, 24, isang school teacher.

Ayon kay Urbano, ang mga biktima ay tumatawid sa ilog sa Barangay Cacub nang anurin nang rumaragasang baha noong nakaraang Martes. Narekober ang kanilang bangkay sa mababang bahagi ng ilog. Sanamagan! Disgrasya lang talaga, di ba mga kosa? Dipugaaa! Ganun na nga!

Wala namang pag-atubili si Robles na magpadala kaagad ng 1,000 food packs na naglalaman ng limang kilo ng bigas, instant noodles, canned goods at malinis na tubig. Ang 2,000 “ChariTimba” ay isinunod at airlifted sa lugar, kung saan ipi­namahagi kaagad para may panawid gutom ang mga apek­tadong residente. E di wow!

Hindi naman maipinta sa mukha ng mga residente ang kasiyahan dahil sa mabilisang pagdating ng ayuda ng gobyerno sa kanila, sa pamamagitan ng PCSO. Kung sabagay, nasa mandato naman ng PCSO ang tumulong sa mga lugar sa Pinas na tinatamaan ng kalamidad at iba pang sakuna. Mismooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya paulit-ulit ang panawagan ni Robles sa mga Pinoy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO, at hindi ang mga illegal number games, para lalong lumaki ang maibigay nilang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Aniya, matic naman na kapag tumaya kayo sa lotto, STL at iba pang gaming products ng PCSO, may porsiyento kaagad na mapupunta sa kawanggawa, lalo na sa mga mahihirap o maysakit na mga Pinoy.

Kaya ano pa ang hinihintay n’yo mga kosa, tumaya na ang palaro ng PCSO nang sa gayon makakatulong kayo sa kapwa nating Pinoy. Abangan!





Source link

Related posts

EDITORYAL – Linisin ni Torre dungis ng PNP

Avenue dwellers napakarami | Pilipino Star Ngayon

Tatlong isyung hahadlang sa paglilitis ni VP Sara