November 16, 2025 | 12:00am
MUKHANG may bagay na nakalimutan o nakaligtaang i-factor in ang administrasyon ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. Ang hagupit nang matinding pagbaha na naging sanhi ng pagka-expose ng mga anomalous flood control projects na sinisisi sa pamahalaan dahil sa nangyaring massive corruption.
Talagang mahirap labanan ang bangis ng bagyo at anumang kalamidad na tumatama sa atin. Naging daan ito nang pagkaalam ng sinasabing budget insertions. Umaabot sa mahigit trillion pesos ang nakukuha ng mga korap na opisyales.
Siguro sa pagpaplano nila kung paano kumalimbat sa kaban ng bayan ay hindi nila naisali o na factor-in na may paraan din ang kalikasan na sirain lahat ang plano nila. Matinding hagupit ng Bagyong Tino at ang magkasunod na malalakas na lindol na tumama sa Cebu province at Davao region.
Hindi lang sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga naapektuhang residente, may iba pang bagay na haharapin ng pamahalaan na hindi madaling ipaliwanag—mga pangyayari gaya ng bagyo at lindol.
Nagpakita lang ang sitwasyong ito na hindi kayang kalabanin pag galit na si Inang Kalikasan. Talagang madidiskaril ang anumang plano ng mga gumagawa ng milagro sa pamamagitan ng budget insertions.
Mas matindi si Inang Kalikasan at wala talagang kawala ang mga gumagawa ng masama sa mga Pilipino.