December 26, 2025 | 12:00am
Taho at tokwa – Ang soy products tulad ng taho at tokwa ay may sangkap na genistein, na makatutulong sa pag-iwas sa breast cancer. Sa isang pagsasaliksik, ang mga babaing regular na kumakain ng taho at tokwa ay mas hindi tinatamaan ng breast cancer.
Isda – Ang tuna, tamban, tilapia at sardines ay sagana sa omega-3 fatty acids. Makatutulong ito sa pagbawas ng pamamaga sa ugat at panlaban sa cancer. Kapag mas maraming isda ang kakainin, malaki ang possibility na hindi magkaroon ng cancer.
Tomato sauce at spaghetti sauce – Ayon sa research, ang pagkain ng 10 kutsarang tomato sauce bawat linggo ay nakatutulong sa pag-iwas sa prostate cancer. Ang pulang spaghetti sauce ay may lycopene na masustansiya sa katawan.
Shiitake mushrooms – Ang Shiitake mushroom ay may polysaccharides at lentinian, na nagpapalakas sa immune system. Kapag malakas ang immune system, mas hindi magkakasakit. Sa Japan, ang mga pasyeteng nagke-chemotherapy ay pinakakain ng Shitake mushrooms para bumilis ang paggaling.
Yoghurt at probiotics – Ang pagkain ng yoghurt at pag-inom ng probiotics ay makatutulong sa pagpaparami ng good bacteria o lactobacillus sa tiyan. Magiging regular ang pagdumi at makaiiwas sa colon cancer.
Strawberries, blueberries at cranberries – Ang mga ito ay may ellagic acid at polyphenols na tumutulong sa pagtanggal ng cancer cells.
Panlaban din sa cancer ang green tea, luya, repolyo, bawang, sibuyas, carrots, kamote at kalabasa.