1. Matatabang isda, mani at olive oil – Ang pagkain ng matatabang isda gaya ng sardinas, tuna, tamban, mackerel at salmon ay maaaring mapanatili ang ating memorya. Ang omega-3 fatty acids ay matatagpuan sa matatabang isda.
2. Berdeng gulay, broccoli, kangkong, spinach, kamote, strawberry at iba pang pagkain na mayaman sa Vitamin C at E – Ang mga pagkain na naglalaman ng antioxidant ay makatutulong sa paglaban sa free radicals na maaaring sumira sa ating utak. Natuklasan na ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin C at Vitamin E ay posibleng mabawasan ang panganib ng Alzheimer’s disease.
3. Pagkaing mataas sa flavonoids tulad ng tea, mansanas, orange, suha, repolyo, bawang, sibuyas, kamatis, peas at beans – Natuklasan sa isang pag-aaral na ang pag-kain ng prutas at gulay ay makababawas sa pagkasira ng utak at pagka-ulyanin.
4. Curry powder at turmeric – Isang pangunahing sangkap ng curry powder ay turmeric na naglalaman ng curcumin. Sa pag-aaral, natuklasan na ang curcumin ay isang mabisang anti-oxidant at anti-inflammatory. May pag-aaral na nagsasabi na posibleng mas gumana ang utak kapag madalas kumain nito.
5. Monggo – Maraming benepisyo ang monggo sa puso, utak at katawan natin. Hindi tunay ang kasabihan na bawal ito sa arthritis. Puwede itong kainin dahil masustansiya. Mahusay ito sa mga lumalaking bata dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral. Bagay sa may diabetes at maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa monggo ay laban sa bad cholesterol.
Ang high fiber ng monggo ay may cholecystokinin, para mabilis mabusog, mas konti ang makakain, kaya mas makakapagbawas ng timbang. Bagay din sa nagtitibi at may IBS o Irritable Bowel Syndrome na maganda sa tiyan at pagtunaw.
Puwedeng kainin ng maysakit sa atay dahil pinagkukunan ng protina, albumin at globulin, isoleucin, leucine, valine. Puwede rin sa may sakit sa kidney dahil ang protina nito ay galing sa gulay at hindi sa karne.
Merong folate o folic acid ang monggo na mahalaga sa mga nanay na buntis para sa nervous system ng sanggol. Marami itong taglay na iron na nagdadala ng oxygen sa buong katawan at sa utak para focus at maganda ang memorya kaya bagay sa matanda, bata na nag-aral at anemic.
6. Calcium – Ang calcium ay kadalasan nating naririnig sa mga produktong may kinalaman sa pagpapatibay ng ating mga buto. Nakakatulong ito sa mga bata at matatanda upang mapatibay ang buto at maiwasan ang pagkabali o pagrupok nito. Ang mga pagkain na mayaman sa calcium ay gatas, keso, sardinas, orange, soymilk at yogurt.
Narito ang mga pagkain na nagdudulot ng lakas:
1. Saging – Napakaganda ng saging sa mga nag-eehersisyo dahil mayroon itong taglay na carbohydrates, vitamin B at potassium. Ang potassium ay kailangan sa normal na pagtibok ng puso at paggalaw ng masels. Masdan n’yo ang mga tennis players na palaging kumakain ng saging.
2. Spaghetti – Nagbibigay ng lakas ang spaghetti dahil sa taglay nitong carbohydrates. Sa mga diabetic, mas mainam ang spaghetti kaysa sa kanin, dahil mas hindi tataas ang iyong asukal sa dugo.
3. Gatas – Ang gatas ay isang kumpletong pagkain dahil mayroon itong carbohydrates, protina at fats. May vitamin B pa ito na nagbibigay ng lakas. Piliin lamang ang low-fat milk para hindi tumaba.
4. Chocolate bar – Para sa kabataan, puwedeng kumain ng tsokolate dahil mayroon itong asukal, gatas at cocoa. Maituturing itong energy bar. Pero limitahan lang ang kakainin sa isang maliit na hiwa at baka ikaw ay tumaba.
5. Pakwan – Ang pakwan ay napakabisang natural energy drinks. Ang pakwan ay may 92 percent alkaline water na mabuti sa katawan. Punong-puno din ang pakwan ng vitamin B, potassium at electrolytes na kailangan ng taong laging pinapawisan. Maganda rin ang pakwan bilang panlaban sa heat stroke at init ng panahon.
6. Buko – Ang sabaw ng buko ay mayroong maraming electrolytes na maihahambing na sa suwero na ginagamit ng doktor. Ang laman ng buko ay may carbohydrates na nagpapalakas at nakabubusog din.
7. Nilagang itlog – Ang itlog ay siksik sa protina, vitamin B at vitamin D. May sangkap pa itong choline na kailangan ng ating utak. Limitahan lang ang pagkain sa 1 o 2 itlog sa maghapon.
8. Nilagang mani – Ang mani ay punong-puno rin ng protina, minerals at good fats na nagbibigay ng lakas. Mas masustansya ang nilagang mani kaysa sa pritong mani dahil wala itong mantika at mababa sa asin.