Mayamang pamilya, nakatanggap ng danyos matapos mapagbintangan na nag-eat and run!


ISANG kilalang pamilya mula sa Northern Ireland ang ginawaran ng ?75,000 (katumbas ng halos P5.8 milyon) bilang kabayaran matapos silang maling maakusahan na nag-eat and run sa isang restaurant sa England.

Ang kaso ay umani ng pansin sa buong bansa, na siyang labis na nakaapekto sa reputasyon ng pamilya.

Noong Hulyo 2024, naghapunan ang mag-asawang Peter at Ann McGirr, kasama ang kanilang mga anak na sina Peter Jr. at Carol sa The Horse & Jockey Inn sa Peak District.

Ngunit ilang oras lamang matapos silang umalis, nag­labas ng CCTV video ang restaurant sa Facebook at inaku­sahan ang mga McGirr na tinakbuhan ang kanilang ?150 na bill.

Kalaunan, lumabas ang katotohanang nagbayad naman pala ang pamilya gamit ang credit card, ngunit nakalimutang iproseso ng staff ang transaction sa cashier system.

Bagamat nag-alok ang restaurant ng apology, libreng pagkain, at libreng staycation sa kanilang inn, hindi ito tinanggap ng pamilya McGirr. Sa halip, nagsampa sila ng kaso upang linisin ang kanilang pangalan.

Ang mga McGirr ang may-ari ng McGirr Engineering, isang international company na gumagawa ng construction block machine na may tinatayang halagang ?2 million at ?1.3 million sa cash reserves.

Sa bandang huli, nagkaroon ng kasunduan ang mag­kabilang panig sa halagang ?75,000 upang tapusin ang kaso bago pa man ito makarating sa korte.

Bukod dito, naglabas din ng official and formal public apology ang The Horse & Jockey Inn sa pamilya McGirr sa kanilang maling akusasyon.

Maraming netizens ang nagsabi na sana’y magsilbing leksyon ito sa lahat, negosyante man o indibidwal, na maging maingat at responsable sa paglalathala ng mga litrato o video sa social media.

Sa panahon ngayon, isang maling post lang ay ma­aaring makasira ng pangalan, kabuhayan, at dangal ng isang tao o pamilya na maaaring mauwi sa demandahan.





Source link

Related posts

EDITORYAL – Linisin ni Torre dungis ng PNP

Avenue dwellers napakarami | Pilipino Star Ngayon

Tatlong isyung hahadlang sa paglilitis ni VP Sara