November 2, 2025 | 12:00am
MAY kulang sa selebrasyon ng Araw ng mga Patay o Undas dito sa Davao City ‘di gaya sa mga nagdaang taon na kung saan ay parating nakikita ng mga residente si dating President Rodrigo Duterte na dumadalaw sa puntod ng kanyang mga magulang sa Wireless Cemetery.
Mataas ang respeto at talagang mahal na mahal niya ang kanyang tatay na dating governor ng Old Davao na si Vice Duterte at kanyang inang guro na si Ginang Soledad Duterte.
Tuwing nananalo si Duterte sa kanyang mga laban sa pulitika, agad-agad siyang pumupunta sa puntod ng kanyang mga magulang.
Ilang beses din siyang nakikitang umiiyak tuwing dumadalaw sa Wireless Cemetery.
Kaya ngayong Undas, may kulang nga dahil wala rito si Digong. Nakapiit kasi siya sa International Criminal Court facility sa The Hague mula pa Marso 11, 2025.
Medyo nakakapanibago nga.
