August 25, 2025 | 12:00am
ISANG 35-anyos na lalaki mula sa isang rural na lugar sa India ang nagulat nang matuklasan ng mga doktor na ang sanhi ng kanyang panlalabo ng paningin ay isang parasitic worm sa loob ng kanyang mata.
Ang pambihirang kasong ito ay inilathala kamakailan sa prestihiyosong New England Journal of Drugs.
Ayon sa pag-aaral, nagtungo ang lalaki sa isang ophthalmologist dahil sa panlalabo ng kanyang paningin. Sa pagsusuri, natuklasan ng mga doktor ang isang gradual transferring na parasitic roundworm sa kanyang mata.
Kinilala ang parasite bilang Gnathostoma spinigerum, isang uri ng nematode na karaniwang matatagpuan sa mga pusa at aso.
Ipinaliwanag ng mga doktor na ang impeksiyong ito, na tinatawag na Gnathostomiasis, ay nakukuha sa pamamagitan ng pagkain ng hilaw o kulang sa luto na pagkain, tulad ng isda, manok, ahas, o palaka.
Inamin ng pasyente na minsan ay nakakakain siya ng isda at manok na sandali lang naluto.
Nagbabala ang mga eksperto na ang mga ganitong uri ng impeksiyon sa mata ay maaaring magdulot ng malubhang pinsala sa mata na maging sanhi ng pagkabulag.
Upang maalis ang parasite sa mata, isinailalim ang lalaki sa isang surgical process na tinatawag na “pars plana vitrectomy” (PPV).
Matagumpay na naalis ang parasite, at ang insidente ay nagsisilbing isang mahalagang case research sa medisina.