Kaso ng missing single mom, nalutas ni Gen. Ibay!

by Philippine Chronicle

DIPUGANon Alquitran – Pilipino Star Ngayon

November 2, 2025 | 12:00am

TATLONG araw matapos mai-report siyang missing, nalutas ng pulisya sa Negros Island ang kaso ng missing single mom na si Kristine Joy Dignadice. Ito ay matapos sumuko ang suspect na si S/Sgt. Enrique Gonzalodo kay Negros Island Region director Brig. Gen. Tom Ibay kahapon.

Sinamahan mismo ni Gonzalodo ang team ng pulisya na pinangungunahan nina Ibay at Col. Dennis Wenceslao, provincial director ng Negros Occidental sa Brgy. Maawa sa Bago City kung saan niya itinago ang bangkay ni Dignadice sa gitna ng tubuhan. Ayon kay Ibay, nangangamoy na ang bangkay ni Dignadice. Tsk tsk tsk!

Humabol pa sa All Saints Day ang kaso ni Dignadice, no mga kosa? Pagdusahan ni Gonzalodo itong krimen na ginawa n’ya. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Si Dignadice, 42, ay ini-report na missing ng kaanak noong October 29, na sakay ng kanyang kotseng gray Hyundai Accent na may plakang FAD 8113. Nang araw ding ‘yun, isang concerned citizen ang nag-report sa Hinigaran Municipal Police Station na ang nasabing kotse ay nakita sa gilid ng tubuhan.

Ang alert team na pinangunahan ni Lt. Erwin Villanueva, at isang duty investigator ay sumadya sa lugar upang magsagawa ng ocular inspection. Sa kanyang report kay Lt. Col. Jovil Sedel, OIC ng Hinigaran police, sinabi ni Villanueva na ang kotse ay illegally parked, ang driver’s side windshield ay basag at may patak ng dugo sa driver at passenger’s seat.

Ang kotse ay kaagad na na-process ng SOCO team upang magkalap ng forensic evidence. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Ibay, natuklasan nila na ang may-ari ng ­sasakyan ay ang negosyanteng si Dignadice matapos marekober ang papeles nito. Nagsagawa kaagad ng backtracking operations ang mga tauhan ni Ibay, sabay tanong nila sa mga kaanak kung sinu-sino ang mga malapit dito.

“Alam n’yo naman sa probinsiya, ang ganitong kaso ay sensational na kaya’t kaagad kami kumilos para malutas ito. Nagkaroon naman kaagad kami ng person of  interest na mahigpit naming tinututukan,” ani Ibay.

Nitong Biyernes ng gabi, may nag-text kay Ibay na nagsasabing may alam siya sa kaso ni Dignadice. Wala sa phonebook ni Ibay ang sender nito. Pinayuhan ni Ibay ang texter na magsadya sa opisina niya Camp Alfredo Montelibano Jr., sa Bacolod City upang idiga ang kanyang kaalaman. Tsk tsk tsk!

Si Gonzalodo ay sinamahan ng kanyang kapwa pulis sa harap ni Ibay. Kaagad naman itong nag-volunteer para samahan si Ibay at Wenceslao sa Bago City kung saan niya iniwan ang bangkay ni Dignadice.  Dipugaaa! Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang talaga.

Sa kanyang salaysay sa harap ng kanyang abogado,  sinabi ni Ganzalodo na sakay siya sa kotseng minamaneho ni Dignadice nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo sa lugar ni Lt. Col. Ace Baybayan, ng Talisay MPS.

Ayon kay Gonzalodo, aksidente niyang nabaril si Dignadice sa kanang balikat. Inaalam pa ng forensic investigator kung saan tumagos ang bala. Nang matantiyang wala nang buhay si Dignadice, dinrive ni Gonzalodo ang kotse ng 30 minutes at iniwan ang bangkay sa Bago City. Kaanu-ano kaya ni Gonzalodo si Dignadice? Abangan!


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00