Imbes na gamot, mga bahagi ng katawan ng tao ang aksidenteng naideliber sa isang babae

by Philippine Chronicle

MGA KWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

November 5, 2025 | 12:00am

ISANG babae sa Hopkinsville, Kentucky, U.S.A. ang nakaranas nang matinding pagkabigla nang matanggap niya ang isang parcel. Inaasahan niyang gamot ang laman ng delivery, ngunit nagulat siya nang buksan ito at matuklasan na ang laman pala ay mga bahagi ng katawan ng tao.

Kinumpirma ni Scott Daniel, ang Christian County Coroner, sa LEX 18 na ang mga nadiskubreng laman ay mga braso at daliri na ginagamit para sa “medical training”. Ito ay aksidenteng naideliber sa bahay ng babae imbes na ang gamot na kanyang in-order.

Ayon kay Daniel, pinaniniwalaang ang insidente ay kinasasangkutan ng isang airline company, isang freight company, at isang courier.

Agad na kinuha ng coroner ang mga bahagi ng katawan at dinala sa morgue kung saan ito ay ibabalik sa carrier para sa tamang pagde-deliver sa orihinal nitong destinasyon.

Kinumpirma rin ni Daniel na ang mga bahagi ng katawan ay karaniwang ipinapadala para sa mga layu­nin ng transplant at pananaliksik. Ang insidenteng ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng maingat na paghawak sa sensitibong cargo.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00