Hari ng Kalawakan isinilang sa sabsaban

SAPOLJarius Bondoc – Pilipino Star Ngayon

December 26, 2025 | 12:00am

MAPAIT-MATAMIS ang kapanganakan ni Hesukristo. Nabuntis si Inang Maria maski hindi pa ikinasal. Hihiwalayan sana ng nobyong si Jose. Inawat lang ng anghel. Iniluwal si ­Hesukristo bilang Hari ng Kalawakan. Pero isinilang sa sabsaban. Ito tala ni Mateo sa Unang Kapitulo ng Ebanghelyo niya:

“18 Ito ang naganap nang ipanganak si Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nagdadalang-tao na si Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

“19 Subalit dahil isang matuwid na tao si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan si Maria nang palihim.

“20 Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, ‘Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo.

“21 Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.’

“22 Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta,

“23 ‘Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel (ang kahulugan nito’y ‘Kasama natin ang Diyos’).

“24 Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria.          

“25 Ngunit hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni Jose sa sanggol.”

Matatag, maka-Diyos si Jose. Sinunod ang nais ng Diyos Ama.


Related posts

Mga pagkain na panlaban sa cancer

Tseke na walang pondo | Pilipino Star Ngayon

Paputok o buhay? Mamili ka