Ginang sa China, pinagbintangan ang mister na nambababae dahil sa hula ng online fortune teller!

by Philippine Chronicle

MGA KWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

November 2, 2025 | 12:00am

NAMAGITAN ang mga pulis sa Wuhu, China, sa isang pambihirang alitan ng mag-asawa. Ito ay matapos akusahan ng isang ginang ang kanyang mister ng ­pangangaliwa, hindi dahil sa ebidensya, kundi dahil sa sinabi ng isang online manghuhula!

Ayon sa ulat, isang lalaki ang kusang dumulog sa Guandou Police Station para ireklamo ang “constant harassment” na ginagawa ng kanyang misis matapos itong magpahula sa isang online fortune teller.

Ang babae ay nagbayad umano ng 500 yuan para sa serbisyo. Pagkatapos ng magpabasa ng kapalaran, agad niyang kinumpronta ang kanyang asawa.

Inakusahan niya itong nagpupunta sa mga hotel kasama ang ibang babae at nagbabayad pa umano ng mga sex workers.

Itinanggi ng mister ang lahat ng paratang. Nang malaman niyang ibinabatay lang pala ng kanyang misis ang mga akusasyon sa sinabi ng ­manghuhula, nagpasya siyang dumulog na sa pulisya.

Ayon kay Police Officer Zhao Xingyu, “Nagbayad siya ng 500 yuan… at dahil nagbayad na siya, naniwala siyang tama ang interpretasyon. Madali siyang naniwala dahil testimonya ng iba na “highly accurate” ang manghuhula.”

Sinabi ng naakusahang mister sa mga pulis na hindi na niya matiis ang sitwasyon sa bahay at ang buhay-mag-asawa nila ay hindi na niya kaya.

“Mula pa kaninang umaga, walang tigil ang tawag niya sa manghuhula. Sinabi ko sa kanya na hindi ko na kaya. Ang buhay na ganito ay hindi ko na matiis,” reklamo pa ng mister.

Matapos makialam ang pulisya at pagsabihan ang babae dahil sa kanyang inasal, iniulat na huminahon na ito at nagkaayos na ang mag-asawa.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00