Kulang ang espasyo sa kolum na ito para mailarawan nang lubos ang buhay ng doktorang Pilipina na si Dr. Evangeline Cua, tubong-Samar, na ang karanasan at dedikasyon ay nakapanggigilalas at kahanga-hanga. Hindi karaniwang propesyonal si Doc Evangeline; higit pa sa hangganan ng bansa, inihandog niya ang kanyang sarili para sa mga taong sinasalanta ng digmaan at kalamidad.