Magnitude 5.1 na lindol ang tumama sa Quezon province noong Martes ng tanghali (Mayo 27) at naramdaman din sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang sentro ng lindol ay naitala sa 24 na kilometro sa hilagang kanluran ng Basic Nakar, Quezon. Tectonic umano ang pinagmulan ng pagyanig kaya naramdaman sa Metro Manila at iba pang malayong lugar.