MATATAHIMIK na ang kaluluwa ni Kian delos Santos, ang 17-anyos na estudyante at vendor na pinatay ng mga pulis habang ipinatutupad ang madugong drug campaign ni dating President Rodrigo Duterte noong Agosto 16, 2017. Tinatayang 6,229 ang mga namatay sa war on drugs subalit sabi ng human rights groups, maaaring lampas pa ng 12,000.