NOONG nakaraang linggo, inihayag ni DPWH Secretary Vince Dizon na iha-hire niya si Edwin Recososa, bagong pasang Civil Engineer. Si Edwin ay anak ng isang jeepney driver. Bukod kay Edwin, marami pang iha-hire na bagong engineer si Dizon. Gusto niyang mapunan ang malaking kakulangan ng mga tauhan sa DPWH.