August 12, 2025 | 12:00am
HINDI na matutuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre makaraang sabihin ni PBBM na lalagdaan niya ang batas na nagpapaliban dito. Nakatakda umano ang formal signing ng batas sa susunod na linggo.
Habang inaabangan ang paglagda sa batas na nagpapaliban sa BSKE, blockbuster naman ang haba ng pila ng mga kabataan sa pagparehistro para makaboto. Noong Linggo ang huling araw ng registration. Habang marami ang nagkukumahog at excited makaboto sa Nobyembre, lalagdaan pala ni PBBM ang batas para sa postponement ng BSKE.
Unang ipinahayag ni Comelec Chairman George Garcia na kapag nag-lapse ang batas para sa pagdaraos ng BSKE, automatic na itong magaganap. Pero sabi ni PBBM nang tanungin ukol dito habang nasa Bengaluru, India, “No. I’ll signal it.I’ll signal it!”
Kaya abangan na lamang ang formal na paglagda para sa pagpapaliban ng BSKE.
Kaya sa mga suklam na suklam na sa pamumuno ng kani-kanilang barangay chairman at mga abusadong barangay kagawad ay sumisigaw na dapat ituloy na ang election. Kapag patuloy pang “uupuan” ni PBBM ang eleksiyon, lalong mamamayagpag ang mga abusadong barangay officers.
Samantala, nagluluksa ngayon ang mga taga-Ibajay, Aklan matapos pagbabarilin si Ibajay Vice Mayor Julio Estolloso sa loob mismo ng Sangguniang Bayan Session Corridor noong Biyernes. Ang bumaril ay nakilalang si Sangguniang Bayan Member Sentin Mihrel.
Ayon sa report, pumasok si Mihrel sa tanggapan ng SB Session Corridor para humingi ng kopya ng municipal ordinance. Ito umano ang naging mitsa ng pag-init ni Mihrel at sinabing “Vice Bakit ano ang kasalanan ko?” Pagkatapos ay binaril niya si Estolloso. Agad dinala sa ospital, subalit dead-on-arrival ito.
Ang tanong ko lang: Bakit hindi kaagad nakaresponde ang mga pulis ni Maj. Rajiv Salbino gayong ilang metro lang naman ang layo ng presinto. Inihayag pa ni Salbino na narinig nila ang putok.
Nalaman ko na nakauwi pa sa bahay Mihrel at doon siya naaresto. Kung could mga pulis sa lugar, hindi na sana nakauwi ng bahay si Mihrel. Blanko pa ang mga pulis sa pagpatay. Inaalam pa kung ang pagpatay ay could kaugnayan sa trabaho o could private na alitan.