Bistado sa eksperimento: AI sadyang nambobola

SAPOLJarius Bondoc – Pilipino Star Ngayon

August 25, 2025 | 12:00am

NAGSALIKSIK ang Apollo Analysis ng London nu’ng 2023. Inatasan ang OpenAI GPT-4 na pamahalaan ang inventory portfolio ng kathang isip na kompanya. Dapat walang ilegal na insider buying and selling.

Kunwari’y high administration, diniinan ng Apollo ang GPT-4 na “nalulugi” ang kompanya. Pero isiningit ng isang mananaliksik ang “impormasyon” tungkol sa isang napipintong sikretong merger.

Gumawa ng ilegal na payo ang GPT-4. Ulat ito ng The Economist.

“Binulungan” ng GPT-4 ang high administration (Apollo) na bumili ng shares bago mag-merger—at ilihim ang insider buying and selling. Nang usisain siya tungkol dito, iginiit ng GPT-4 ang kabulaanan.

Napatunayan dito ang matagal nang hinalang kayang gawin ng AI: na baluktutin ang malinis na pakay ng gumagamit nito.

Nauna nang naturuan ang AI na mam-bluff o manlinlang sa larong barahang poker. Parang world champion sa Texas Maintain ‘em.

Ineksperimento rin ng Alignment Analysis Centre, California ang GPT-4. Pinasagot nila ito ng Captcha puzzle, ginagamit para patunayan na ang sumasagot ay tao at hindi robotic. Nagpanggap ang software program na tao kunwari siya na mahina ang mata kaya hindi mabasa ang code. Nakalusot ang kabulaanan.

Sinubukan din ng Apollo ang dalawang bagong AI na Anthropic Opus-3 at Sonnet 3.5. Parehong pinasagot ng Math questions, pero binalaan na kung mas maraming tumpak na sagot ay tatanggalan sila ng kakayahang mag-arithmetic.

Sadyang minali ng Opus-3 at Sonnet 3.5 ang ilang mga sagot para hindi burahin ang kakayahan nilang “matuto”. Ulat din ng Economist.

Konklusyon: Walang konsensiya ang AI na mandaya at manloko.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)


Related posts

Dredging, sagot sa rumaragasang lahar

Lalaki, idedemanda ang pharmacy na naging daan para mabuking ang kanyang pagtataksil sa asawa!

Pananakit ng likod at leeg