Babae sa airport, pinatanggal ang makapal na makeup matapos hindi makilala ng facial recognition scanner!


VIRAL ngayon sa Chinese social media ang video ng isang babaing pasahero na napilitang tanggalin ang kanyang makeup gamit ang wet wipes matapos hindi siya makilala ng facial recognition scanner sa Shanghai Airport.

Makikita sa video, na nakunan noong Setyembre 2024, ang isang babae na nakasuot ng puting blouse at maroon vest habang pinupunasan ang kanyang mukha sa harap ng isang salamin.

May maririnig na boses sa background, na posibleng staff ng airport security, na sinasabihang tanggalin ang lahat ng makeup para maging kamukha ng babae ang kanyang passport.

“Punasan mo lahat hanggang maging kamukha mo ang nasa passport mo. Bakit ba kasi ganyan ang makeup mo?” sabi ng airport staff sa video.

Hindi malinaw kung nakalusot sa scanner ang babae pagkatapos niyang magtanggal ng makeup, ngunit mabilis na naging usap-usapan ang insidente online.

Sa kasamang larawan mula sa video, makikita ang pagkabalisa ng babae habang sinusubukang ibalik ang natural niyang hitsura.

Marami ang natawa sa insidente at may ilan ding dume­pensa sa babae, sinasabing hindi na kailangan pang ipahiya ito sa publiko, habang ang iba naman ay pumuna sa teknolohiyang gamit sa airport.

“Kung kahit makapal ang makeup, dapat naman siguro kaya pa ring makilala ng scanner, di ba? Hindi ba panahon na para i-upgrade ’yang sistema nila?” tanong ng isang netizen.

Sa mga nakaraang taon, naiulat ding nagkaproblema ang ilang kababaihang Chinese nationals sa pagbabalik sa kani­lang bansa matapos magpa-plastic surgery sa South Korea.

Ito ay dahil hindi na sila kinilala ng facial recognition dahil sa laki ng ipinagbago ng kanilang itsura.





Source link

share it
Facebook
Twitter
LinkedIn
Reddit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Article