August 29, 2025 | 12:00am
Napapansin n’yo rin siguro ang matagal nang sapantaha ng iba: malimit magkamukha ang aso at ang amo nito.
Dati nang naulat na ang mga babaing maikli ang buhok ay mahilig sa aso na maikli ang taynga tulad ng Husky o Basenji. At ang mga babaing mahaba ang buhok ay malamang mag-alaga ng Beagle o Springer Spaniel.
Hinahanap ng tao ang mga katangiang pisikal niya sa alaga niya.
Pero hinahanap din ba niya ang kasing-ugali? Sinikap alamin ‘yan ni Yana Bender, PhD, ng Max Planck Institute.
Bilang panimula, nirepaso muna ni Dr. Bender at workers niya ang mga dati nang saliksik. Nabatid doon na nagtutugma nga ang hitsura ng aso at amo. Ang mga amo na mataas ang body-mass-index ay mahilig sa matatabang aso. Ang mga taong petite ay mahilig sa miniaturized na lahi.
Kung tutuusin nga, ulat ng The Economist, nahuhulaan sa pamamagitan lang ng mga mata ng amo at aso kung sinong magkapares. At ang mata ay salamin ng pagkatao – o pagkaaso.
Ilang punto sa pag-aaral ni Dr. Bender:
– Nerbyoso sa estranghero ang aso ng mahiyaing amo.
– Agresibo naman ang aso ng neurotikong amo.
– Mas madaling i-train ang aso ng amongst matulungin.
– at ang mga mag-aalaga ng mababangin na breed, tulad ng XL Bully, ay malamang na mahilig magpasarap at could topak.
Maari rin na sa matagal na pagsasama, naiimpluwensyahan ng temper ng amo ang alaga. At maari ring kabaliktaran, nahahawa ang amo sa ugali ng aso.
Sa aso lang kaya ito? Could isang maporma’t mayamang pulitiko na nagpasyal ng alagang tigre sa Boracay.