December 2, 2025 | 12:00am
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang ama-zing journey ng isang magsasaka na naging negosyante ng gulay at financier o nagpapautang ng puhunan sa kanyang kapwa magsasaka sa Bulacan.
Ang aking tinutukoy ay si Ferdie Buenaventura, key influencial farmer at trader ng Brgy. Diliman, San Rafael Bulacan.
Nakaka-inspire ang buhay pagsasaka ni Ferdie na nagmula sa mahirap na pamilya pero nagsikap, nagtiyaga at nagsipag kaya nagamit niya ang maraming biyaya na kaloob ng Dakilang Lumikha.
Ayon kay Ferdie, noong bata pa siya ay palagi siyang pinapagalitan ng kanyang ama dahil ayaw niyang mag-aral, sa halip mas gusto niya ang sumama magtanim ng gulay sa kanyang ninong.
“Madalas ay napapagalitan ako ni tatay dahil hindi ako pumapasok sa paaralan,” aniya.
“Mas gusto ko ang magtanim ng gulay dahil palagi akong may pera. Ang bunga kasi ng aking mga tanim na halaman ay aking ibinebenta,” pahayag ni Ferdie.
Sinabi pa niya, nagpakadalubhasa siya sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay.
“Na-master ko ang pagtatanim ng ampalaya, sitaw, talong, okra, patola, pipino at iba pa na siyang ibinebenta ko sa aming palengke,” aniya pa.
Ibinahagi rin ni Ferdie na mas malaki ang kanyang kinikita dahil walang “middle man”.
Dati ay nakikitanim lang si Ferdie, ngayon ay mayroon na siyang apat na ektaryang taniman ng gulay.
Dati ay isinasakay lamang ni Ferdie sa tricycle ang kanyang mga ani para ibenta sa palengke. Nga-yon ay may sarili na siyang truck na pambiyahe ng gulay.
Mayroon na ring 16 na empleyado si Ferdie sa kanyang farm at nagpapautang na rin ng puhunan sa kanyang kapwa magsasaka sa kanilang lugar at karatig na baryo.
Isa na si Ferdie sa nagbabagsak ng trak-trak na gulay sa Balintawak, Quezon City tuwing madaling araw.
Masaya na rin ang ama ni Ferdie dahil sa kanyang malayo nang narating sa buhay dahil sa pagtatanim at pagbebenta ng gulay.
Kuwento pa ni Ferdie na kaya magaganda ang kanyang mga tanim ay dahil high quality na seedlings ang kanyang ginagamit sa pagtatanim na kanyang binibili sa Farm Ready GG Corporation.
“Ang pundasyon ng magandang gulay at maraming ani ay mula sa de kalidad na punla at magandang klase ng lupa,” aniya.
Sa ngayon ay patuloy na tumutulong si Ferdie sa kanyang mga kapwa magsasaka sa kanilang lugar, lalo na iyong kinakapos ang puhunan.
Ngayong Linggo, December 7, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Ferdie Buenaventira sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Glo-bal Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.